Thursday, February 11, 2010

BARKADA

Mga kaibigang sa Dayap nakilala
Noong isang taon lang naging kabarkada
Ang akala ko'y magiging masaya
May kalungkutan din palang kasama

Tuwing uwian noo'y magkakakwentuhan
Pero bakit ngayo'y minsanan nalang?
Oo nga pala't sila'y may kasintahan
Nakakapanibago lang,sa nakasanayan

Dati rati'y mga sikreto'y alam
Pero bakit ngayo'y di na nagsasabihan?
Kaya masasabi ko lang "nakakatampo naman"
Mga nakakaalam,yung talagang malapit lang

Noong una talaga,ang akala ko
Pag sinabing "BARKADA" laging buo
Walang iwanan,walang sikreto
Pero bakit ganon,ang ipinapakita niyo?

Kung sakali mang maisipan niyong basahin
Wag niyo naman sana itong masamain
Ang nais ko lamang na iparating
Pagkakaibigan nati'y,wag sanang sayangin.




Mula kay Lorie Mae A. Delos Reyes

Saturday, February 6, 2010

REGALO BY SANDRO SAMSON

May isang bata pangalan ay mar. bata pa lamang siya ay may natatangin na siyangkatalinuhan sa paglalaro ng chess. Na tinuro pa sa kanya ng kanyang ama. Isang araw ay pumunta si Mar at ang kanyang mga magulang sa isang mall sa maynila. May nakita si mar na isang bagong bago chessboard na gawa sa kahoy. Nagustuhan ito ni Mar at agad na sinabi ni Mar sa kanyang mga magulang na gusto niya ng bagong chessboard para sa kanyang kaarawan.at agad nana sinabi ng kanyang ama na sige anak bibilhan kita ng bagong chssboard.sabik na sabik si Mar sa bago niyang chessboard at kada araw ay minarmarkahan niya ang kalendaryo sa kanilang tahanan. sa bawat araw na nagdaraan ay laing pinaaalala nimar Ang kanyang regalo sa kanyang kaarawan.at pagkagisingni mar ng kinaumagahan ay siya ay nagalmusl muna at agad na umalis sa kanilang tahanana para pumasok sa eskwelahan. at ng pumasok na si mar ay may naita siyang mga batang naglalaro ng chess. gustong sumali ni mar sa laro nila nngunit imbis na pasalihin ay kinansyawan pa siyang ng kanyang mga kaklase. at sinabi ni mar sa kanyang mga sarili na magkakaroon din ako niyan. at ng paguwi nimar sa kanilang tahanan ay agad niyang kinulit ang kanyang ama't ina sa bago niyang chess para sa kanyang kaarawan.ngunit sinabi ng kanyang ama na may luma akong chessboard dyan gusto mo iyang muna ang iyong paglaruan. ngunit nagdabog si mar at sinabi na ayaw ko niyan gusto bagong chessboard. ngunit isa lamang siyang basurero ng basura at agad na nakaisip ng paraan ang kanyang ama na mangulikta na lamang ng basura para matugunan ang pangangailangan para sa regalo ng kanyang anak sa kanyang kaarawan. at ng bumalik na ang kanyang itay sa kanilang tahanan ay sinabi ni mar tay sa isang linggo na po ang aking kaarawan. a palagi na nagigising na maaga para magdampot ng basurang maari pang pakinabanga upang matugunan ang regalong kanyang anak sa kaarawn nito. at ng malapit na ang kaarawan ni Mar ay kulang pa din ang perang pambili ng regalo ni mar sa kaarawan nito. at nagisip ang kanyang itay na ibalot muna ang lumang chessboard para kung sakaling kulang pa din ang perang pambili ay may maiiregalo na siya para sa anak dahil kaarawan na ni mar kinabukasanat ibibigay na lang ang bagong chessboard pagnabili na niya ito. at ng kinabukasan ay kaarawan na ni mar ang kanyang ama ay nagising ng maaga para matugunan ang ang sapat na pera pambili ng regalo ni mar. at ng makuha na ng kanyang itay ang sapat na pera pambiling ng bagong chessboard ay biglang nabunggo ng isang truck sa maynila at nagkalasog lasog ang katawan ng itay ni mar. at agad nabalitaan ng kanyang asawa't anak ang nangyari sa mismong kaarawan ni mar. at sinisi ni mar ang kanyang sarili sa nangyari sa kayamg itay. ngunit sina bi ng kanyang inay na wag mong sisihin ang sarili mo sa pagkamatay ng kanyang ama at agad na binigay ng kanyang inay ang regalo ng kanyang ama sa mismong araw ng kaarawan ni mar. at may nakalakip na sulat na ang sabi ay anak ingatan mo itong lumang chessboard na ito dahil dito nakapaloob ang masasaya nating sandali ng tayo ay magkasama. at tumulo ang luha ni mar at nagpasalamat habang nakatingala sa kalangitan.

Thursday, February 4, 2010

BESPREN!!

pagpatak ng luha'y animo ay ulan
ngunit 'yong pinunas aking kaibigan
lungkot at ligayang aking naranasan
laging nasa tabi at di mo iniwan

hirap man ang aking laging nadarama
lungkot ko'y naibsan at 'yong pinasaya
mabilis mang lumipas ang mga panahon
pagkakaibigan lagi 'tong nandoon

lagi kang kasama aking kaibigan
di malilimutan ating kasiyahan
ikaw ma'y umalis, saan man mapunta
pagsasamaha'y laging maaalala

maraming salamat sa pinagsamahan
sa ating iyakan, atin mang tawanan
hanggang sa panahong ikaw ay lumisan
palaging iisiping ikaw ay nandyan.


mula sa panulat ni: ROSALIE L. CASTALONE

Wednesday, February 3, 2010

Pag-asang Nilamon ng Kapabayaan

Sa bawat pag-ikot ng mundo, pinagmamasdan ko ang paglubog at paglitaw ng araw. Dito ko pinapalipas ang sama ng loob ko sa mga taong nakapaligid sa akin. Pang-aalipusta at pangungutya sa aking balat, hinuhusgasan ang aking katauhan. Tinitiis ko ito bagamat bitak-bitak na ang aking damdamin.

Sa pagdaan ng tao sa aking harapan, naiinggit ako sa kanila! Nasasabi ko sa aking sarili "Anung klase akong tao". Paulit-ulit ko itong binabanggit sa aking isipan habang humihingi ng palinos. Kung pinag-igi ko lang sana ang aking trabaho di ako mawawalan nito at di rin sana ako iiwanan ng aking mag-ina.Doon ko lang napagtanto ang kahalagahan ng buhay ko.

Sa ngayon, naririnig ko ang sigawan at ingay sa palengke mula rito sa gilid ng building, napagtanto ko na "Ayos lang, matatapos na naman eh!" "Pagod na ako", yun na lang ang nasabi ko, habang tumataba ang buto at kumakalam ang sikmura. Namumuti na ang mata ko habang nakatitig sa paglubog ng araw. Ako'y yayaon na, sana'y pag-ingatan niyo ang munting kartong ito, dahil wala ako kundi ito!Paalam!

Sa madadamdaming panulat ni: Kemuel Ricarte

Tuesday, February 2, 2010

"mahal naman kita" by:Loremagnce Da Silva

Nang una kang nakita
Ako ay natulala
Sa galing mong magsalita
nasabi kong bigla
"siya na nga kaya?"

Ngunit alam mo ba
iba ka sa kanila
kilos, salita at
Sayong mga mata
ikaw ay kakaiba

Sa babaeng mahal mo
ako'y walang panalo
pano pa kaya
dyan sa puso mo
may puwang pa ba
para sa tulad ko?

Kung totoo ang lahat ng iyan
Sana ako'y nangangarap na lang
masayang man
yan ay pangarap lamang
di naman ako gaanong masasaktan.

pano mo malalaman ang nilalaman
nitong puso kong bitin sa iyong pagtingin
gayong ako'y hindi mo pansin
pangarap na lamang ba?
o magiging totoo pa

May pag-asa pa ba?
na iyong ibigin pa
hindi bale na
basta't masaya ka
mahal mo man siya
ay "MAHAL NAMAN KITA"

"Hinanakit ng Katotohanan" byPrecious Arlene Villaroza

Sa bawat iko't ng mundo may bagay na nagbabago, panahong naglalaho,pangakong napapako. Sa estado ng buhay natin ngayon masasabing bigo tayo pagkat tayo mismo ay bulag sa katotohanan. Katotohanang dapat na nating sanang malaman.Makapangyarihan tayo pero tayo ang nakakulong sa salapi na bumubulag sa atin sa katotohanan. Dahil sa kapangyarihan na nagagawa nating kumitil ng buhay, yumapak ng ibang tao at saktan angating bayan. Ang batas na sana ay matibay nating sandata ay unti-unting nawawalan ng kapangyarihan. Dahil sa patuloy nating pagtanggap ng kasinungalingan. Mahirap mang tanggapin pero tayong mamamayan ay walang ginagawa upang ang ating bayan ay maging tama.

..+Tukso Na Lang Sana..+

Nang minsan na tayo ay pinagtambal
Na hindi inakala na sayyo ay ibabagay
Asaran na hindi naman dapat
Sapagkat ito ay walang mapapala.

Sa walang humpay na tuksuhan
Pagtingin sa iyo ay lumalala na
Itong aking na puso na sayo'y nalulumbay na
Hanggang sa ito ay tuluyang nabihag mo.

Pagsinta sa iyo ay pilit kong nililihim
Pagkat itong aking puso ay puno ng pangamba
Sa taong lubos na umaasa
Na itong aking puso ay siya lang ang sinisigaw.

Dumating ang araw na ikaw ay nagtapat
Na ang iyong puso ay nahuhumaling na
Puso ko ay nabigla at wala itong ibang nagawa
Kundi tanggapin ang iyong pagsinta.

Iniwan ang isa, kahit alam na di kaya
Iniwan ko siya, kahit alam na labis siyang masasaktan
Dahil sa sobra niya akong minamahal
Desisyon ko ay tinanggap at tuluyang pinakawalan.

Kapalit ng paghihiwalay, kundisyon kanyang hiniling
Na ako ay sumaya sa taong aking pinili
At kanyang binigkas na siya ay maghihintay
Na pag ako ay sinaktan, sa kanya ay bumalik.

Sa desisyon ko ako ay sumaya
Kakaiba nadarama pag ikaw ay kasama na
Ikaw at ako ay di mapalagay
Subalit pareho nga ba tayo na nadarama?.

Sa bawat salitang iyong binitawan
Puso ko sayo ay nagtiwala
Na ako ay hindi sasaktan
Kundi patutunayan na ako'y iniibig mong tunay.

Ngunit sa mga tiwalang iyon
Puso ko ay labis mong sinaktan at pinaasa
Sa salitang iyong binitawan
Na itong aking puso ay kailangan mo ng iwanan.

Bakit nga ba ako naniwala
Sa tukso ng mga salita
Na sa atin ay binabato nila
Na ang buong akala ko ay totoo na..:-(

Ni: Generose T. Monserrat

Monday, February 1, 2010

Talik Harap

Sa una'y kay saya ng ating samahan
Lahat ng kalokohan mo ay sinasakyan ko rin
Lagi tayongmagkasama sa gitna ng kahirapan

Lahat ng sikreto mo ay alm na alam ko
Pati kilos at ugali mo ay kabisado ko
Alam ko ang lahat ng kasinungalingan mo

Pero bakit ganito ang ginawa mo sa akin?
Iniwan mo ako sa ere at hinayaang masaktan
Kinalimutan mo ako at itinuring na kalaban

Pinilit mo akong ibagsak at ipahiya sa lahat
Pinagkaitan mo ako ng karapatang sa aki'y nararapat
Ipinangangalandakan mo ang sikreto ko na tila isang aklat

Itinuring kitang tunay na kaibigan
Pero ang lahat ng ito ay binago mo rin
Iminulat mo ang aking mata sa tunay na sitwasyon natin

Ngayon ko lang napagtanto na may maskara ka din
At ika'y patuloy na gumagala hanggang ngayon
Isa kang "talik harap" na kaibigan.

Ni: April B. Caunin

Makabagong Lipunan

Noong panahon ng ating kadakilaan
Kabataan ay pag-asa ng bayan
Yun ang pananaw ng dating pamayanan
Ngunit ano ang iyong natatanaw
Sa landas na ating ginagalawan
Ito ba ay meron pang kalinawan
O ito ba'y bahagi na ng ating kabiguan?

Kabataan ay salot ng ating bayan
Yan ang bukang bibig ng makabagong pamayanan
Dahil sa bawat sulok ng mundong ginagalawan
Droga at alak ang pinagdedependehan
Pagpapakamatay lang ang solusyon sa kahirapan
Kaguluhan at kabiguan ang sayo'y nag-aabang

Sa landas na dapat nating tahakin
May kaya ka kayang gawin para ito'y masukdulan
Ng sa gayo'y kinabukasan ay makamtan
Ng mga kabataan na bayani ng "Makabagong lipunan"

Ni: April B. Caunin

O A. Na...

Barakada ay kaysaya noong umpisa
Pero ano ngayon ang iyong tantiya
Ito ba ay may itatagal pa
O hanggang dito na lang talaga

Simpleng problma ay di maresolba
Dahil sa kitid ng kokote nila
Indikasyong sadyang bata pa
Ang taong nasa likod ng itim na kurtina

Akala mo'y artista sa isang pelikula
Na kung umarte ay tila si Vilma
Nagpapkamartir para magmukhang bida
Pero ganoon man ito'y sobra-sobra na

Pagiging prangka ay sadyang kakaiba
Ugaling manhid sa kanya'y nakatanikala na
Sa isang banda matauhan ka sana
Dahil ang daming tao ang nasasaktan na.

Ni: April B. Caunin

Kompositor

Bumibingi sa aking katauhan
Katahimikan ng kapaligiran
Habang kumakalmot ang kadiliman
Tanong ay dumarami sa akng isipan

Talino, lampara at imahinasyon
Sandigan ng isang manunulat
Habang isipan ay tinatapak
Ng kwadrado at blangkong aklat

Rumerehistro sa aking paningin
Imahe ng maga buhangin
Buhanging pinong pinong ginigiling
Tila mga taong iiling iling

Mga manunulat buhay ang puhunan
Tulad ng buhanginn sarili'y inihain
para sa magandang pundasyon ng kinabukasan
At tagumpay ng pag-unlad natin.

Ni: April B. Caunin

Endless Love

Nung tayo'y magkita
Mga musmos pa lang tayo
Mga munting batang gusto lamang maglaro
Sa malawak nakapatagan tayo'y madalas maghabulan
Kung minsan ay may tampuhan ngunit agad na nagkakabati

Sabay nating binuoangmga pangarap natin
Magkasama tayong humarap sa mga problema
Binigyan moakong kaligayahan at kalakasan
Ikaw ang nagsilbing ilaw sa aking buhay

Ngunit papaano kung ang lahat ng ito
Ay humantong sa tunay at wagas na pag-ibig
Matatanggamo ba ang isang tulad ko?

Pinilit kong itago ang lahat ng ito
Aking napagpasyahan na limutin ka na
Nagpakulong ako sa droga at alak
Para kahit papaano ay makalimutan kita

Maraming katanungan ang naglalaro sa utak ko
Naisip kong tapusin na ang buhayko
At mahimbing na ng panghabambuhay

Ngunit bigla kang dumating at niyakap ako
Ang una mong binigkas ay ang pangalan ko
At saka mo sinabing "kailangan kita dahilmahal kita"

Lumuha ako at napapikit
Saka ko nalamang huli na ang lahat
Wala ng pag-asa na mangyari ito
Dahil ako'y nasa langit na at ika'y nasa lupa at hawak na ng iba.

Ni: April B. Caunin