Wednesday, February 3, 2010

Pag-asang Nilamon ng Kapabayaan

Sa bawat pag-ikot ng mundo, pinagmamasdan ko ang paglubog at paglitaw ng araw. Dito ko pinapalipas ang sama ng loob ko sa mga taong nakapaligid sa akin. Pang-aalipusta at pangungutya sa aking balat, hinuhusgasan ang aking katauhan. Tinitiis ko ito bagamat bitak-bitak na ang aking damdamin.

Sa pagdaan ng tao sa aking harapan, naiinggit ako sa kanila! Nasasabi ko sa aking sarili "Anung klase akong tao". Paulit-ulit ko itong binabanggit sa aking isipan habang humihingi ng palinos. Kung pinag-igi ko lang sana ang aking trabaho di ako mawawalan nito at di rin sana ako iiwanan ng aking mag-ina.Doon ko lang napagtanto ang kahalagahan ng buhay ko.

Sa ngayon, naririnig ko ang sigawan at ingay sa palengke mula rito sa gilid ng building, napagtanto ko na "Ayos lang, matatapos na naman eh!" "Pagod na ako", yun na lang ang nasabi ko, habang tumataba ang buto at kumakalam ang sikmura. Namumuti na ang mata ko habang nakatitig sa paglubog ng araw. Ako'y yayaon na, sana'y pag-ingatan niyo ang munting kartong ito, dahil wala ako kundi ito!Paalam!

Sa madadamdaming panulat ni: Kemuel Ricarte

No comments:

Post a Comment