Sunday, January 31, 2010

LIHIM NA PAGTINGIN

Sa bawat araw na nakikita ka
Anong ligaya ang nadarama
At sa tuwing lalapit ka
Kinikilig ako sinta.

Bakit nga ba ikaw pa
Ang inibig ko sinta
Ano nga bang meron ka
Bakit ang puso ko'y nabihag na.

Ngunit ano ang aking gagawin
Upang iyo namang mapansin
Mananatili na lamang ba sa akin
Ang isang lihim na pagtingin.
Mula sa panulat ni:
Ruby Tabuquilde

hindi ko na kaya!!!

hindi ko na kayang magpanggap na masaya
hindi ko na kayang humarap sa kanila
hindi ko na kayang binabalewala lang nya
ang pag mamahal na ibinibigay ko sa kanya.

hindi ko na kayang lumuhang mag isa
hindi ko na kayang maging manhid nalang basta
hindi ko na kayang maramdaman ang lahat ng sakit
na dulot ng iyong mapang aping pag ibig.

hindi ko na kayang magmukmok sa isang tabi
hindi ko na kayang lumuha gabi gabi
hindi ko na kayang sa tuwina ay ika'y naaalala
kahit na alam kong may kasama kang iba.

hindi ko akalaing mararanasan ko ito
dahil sa tanang buhay ko ngayon lang ako nagkaganito
minahal naman kita ng higit pa sa buhay ko
ngunit anong sinukli mo, sinaktan mo lang ako.

kaya kahit na masakit
sumusuko na ako sa kabaliwan ko
dahil hindi ko na kaya!
hindi ko na kayang makita kang tumatawa kasama sya...



mula sa madamdaming panulat ni:LORRAINE N. CABUHAT

ANG AKING MINAMAHAL

Sa aking pagtulog ikaw ang laging iniisip,
Hindi mapakali kapag hindi ka namamasdan,
Kung nandiyan ka naman ako'y hindi mapalagay,
At kapag malayo ka naman ako'y nangangamba,
Hindi alam ang gagawin kapag wala ka sinta,
At kapag nakita na kita anong saya ko na.

O aking minamahal halika at lumapit ka,
Huwag mo nang hayaan na magkalayo pa tayo,
Ikaw ang ligaya ng puso ko sa habang buhay,
At sa habang panahon ikaw ay hihintayin ko,
Hindi ako papayag na maagaw ka sa akin,
Ikaw lang ang minahal ko nang ganito sinta ko.

Hindi iyon mababago ano man ang mangyari
Ikaw parin ang mamahalin ko hanggang sa huli,
Pangako ko sa iyo ikaw ay iingatan ko,
Aalagaan kita hanggang sa takdang panahon,
Dahil kapag wala ka ako'y nalulungkot sinta,
Hindi ako nagkamali sa pagpili ko sa iyo.

Dahil ikaw ay butihin at busilak ang puso,
At ikaw ang nagbigay halaga sa aking buhay,
Dahil pinatunayan mo na mahal mo rin ako,
At ipinaglaban mo ang pagmamahal ko sa iyo,
Hindi mo hinayaan na paghiwalayin tayo,
Dahil alam mo na tapat ako sayong pag-ibig.
Mula sa panulat ni:
Rinalyn Sionez

HAPLOS NG HANGIN

Sa panahong ako'y nasa isang tabi
Nag-iisip at nagmumuni-muni
Katahimikang nakabibingi
Ang sa puso'y namamayani.

Sa isang dako , ako'y napatingin
Ang iyong imaheng wari'y salamin
Nakaramdam ng saya ang uhaw kong damdamin
Sa pag-ibig mong aking idinadalangin.

Dito sa isang tabi'y napansin
Ang pagluha mong nakasasakit sa akin
Lumapit ako sa iyo upang ika'y yakapin
Ngunit naramdaman ko ang haplos ng hangin.
Mula sa panulat ni:
Ruby Tabuquilde

kalimutan na!!

kalimutan na ang minsang tayo ay nagkakilala
kalimutan na ang lugar kung saan tayo unang nagkita
kalimutan na ang katangiang aking hinangaan
dahil ang lahat ng ito'y nagpasakit lang ng aking kalooban.

kalimutan na ang araw na tayo'y magkasama
kalimutan na ang kwentuhang ating pinagsaluhan
kalimutan na ang bawat oras na ako'y iyong pinasaya
dahil ang lahat ng yan ay iyong binalewala na.

kalimutan na ang nakaran na naghatid sa akin ng saya
kalimutan na ang tanghaliang puno ng ligaya
kalimutan na paglalakad na kahawak kamay kita
dahil ang mga panahong ito'y kaybilisna naglaho.

kalimutan na asaran at mga halakhakan
kalimutan na ang takbuhan sa playground ng paaralan
kalimutan na ang lahat ng masasayang nangyari
dahil ang lahat ng ito'y nakaraan na at hindi na muling maibabalik pa.

kalimutan na ang paghangang aking naramdaman
kalimutan na ang sakit na kanyang ginawa
kalimutan na ika'y naging bahagi ng aking buhay
dahil alam kong sa ngayon ay pag mamayari kana ng iba
at kahit kailan ay wala ng pag asang maging tayong dalawa.



mula sa madamdaming panulat ni: LORRAINE N. CABUHAT

Saturday, January 30, 2010

WAKAS!!

Nang mamulat itong isipan,
at magising nang tuluyan,
Bumulaga sa akin,
ang kagandahan ng kalangitan.
Maaliwalas na panahon na
sa aki'y sumambulat!.......
Napakagandang tanawin,
ang sa aki'y gumimbal......

Ang araw na ito pala'y,
araw ng kapootan.
Kapootan sa mga taong,
nasadlak sa kalayawan.
Ngunit sa mga taong ,
nakasumpong sa tamang landas.
Ito'y isang gantimpala,
at hindi kasawian.

Ngunit!....bakit ako'y,
naiwang nag-iisa sa karimlan,
Naglalakad sa gitna ng kadiliman,
naghahanap at tila walang masumpungan.
Tila ako'y pinagtampuhan ng kapalaran,
nadusta yaring puso't isipan.

Ang lahat nga ay,
naparam na!....
Nawala na sa bula-bula,
natupok na sa apoy,
Ang lupa at ang kalangitan,
habang ako'y naiwang nag-iisa,
Hinahanap ang daan patungo sa kalangitan.



NI: RICHARD RESUELLO


Friday, January 29, 2010

Bakit may Malandi?

Bakit nga ba may malandi? Lahat naman tayo ay binigyan ng Dyos ng pantay-pantay na pagkatao? Eh eto pa ang isang tanong. Bakit ko ba tinatanong yan? Ano pa care ko sa malandi? oops... Di na 1 tanong yun ah? 2 na yun!!! Aist, ang bobo ko. Ai di pala. Bakit ko sinasabihan ang sarili ko na 'bobo'? Ay nakuh naman. Well, changge topic (english yun). Ano ba talaga ang dahilan ng pagbblog ko? Eh bakit ko naman sasabihin sa inyo, aber? Give me some good reasons (english ulit yun, nosebleed!!!). Ahm, ano!!!!! ala pa din ako maitype! Ai, may tinatype na pala ako. haha. (gawin bang text?) Wait. Bakit puro side comments? Hmmmp... Balik tayo sa original topic. bakit may malandi. Eh hindi ko nga alam eh. Siguro naman computer gamit mo sa pagbablog noh? Try mu kaya iresearch, di yang ako ang tinatanong mo.

Ni: Secret.

Wednesday, January 27, 2010

"Sa Dako Pa Roon"

BAKIT SA MALAYO, ANG PUKOL NG TINGIN
PARANG HINAHANAP, ANG PAG-IBIG MAN DIN
GUSTONG MAKAKITA, TAONG MAMAHALIN
PARA MAKASAMA, ANO MAN ANG GAWAIN

SUBALIT KAIBIGAN, ITO'Y PAYO KO LANG
HUWAG PADADALA, NIRENG KAANYUAN
DAHIL KAGANDAHAN, PARIS DIN NG ILAN
ANYONG PANLABAS LANG, ANG PANLABAN NIYAN..

KUNG HAHANAP DIN LANG, AT SA IBANG BAYAN
GAMITIN ANG UTAK,'WAG ANG KATANGAHAN
PAGKAT ITONG TAO'Y, WALANG KATINUAN
PARIS DIN NG ILAN, ANG TAONG GAHAMAN

SA DAKO PA ROON, MAKAKAKITA KA
NG TUNAY NA TAO, DI GAYA NG IBA
KAYA'Y MAG-ISIP KA, HUWAG PADADALA
SA ANO MANG ANYONG, IYONG NAKIKITA..

MULA SA PANULAT NI:MARILYN AGONIA

"Sugat sa Puso"

Sugat sa paa, sa kamay, sa siko,
sa tuhod o kahit saan
mga sugat na kay daling makuha ng ating katawan
bunga ng maling pagkilos o di sinasadyang paggalaw

Mga sugat ding kaydaling maghilom
sakit, hapdi, kirot na kay daling malimot
sa paglipas ng ilang araw sugat sa katawa'y
mawawala lang ng di mo alam

Ngunit sabi nila...kaiba ang sugat sa puso
sugat na bunga ng maling pagdedesisyon
sugat na kaytagal maghilom
sakit, hapdi at kirot na 'di mo malimot

Sinasabing masaya ngunit iyo paring maaalala
tumatawa ng tumatawa ngunit 'di mo na pala kaya
paglilibang sa kung anu-anong gawain sabi mo
upang kahit papaano'y maibsan ang sakit

Sinasabing, ayos lang!!upang 'di sila mag-alala
sinasabing, wala lang!!upang 'di pagtawanan nila
sinasabing "kaya ko pa" ngunit pabagsak ka na
binabaling ang tingin sa iba upang makalimutan
mo na siya...

Ang hirap talaga ng sugat sa puso
ang daling matanggap ngunit kay tagal maglaho
sugat sa pusong 'di mo akalaing matatamo
sugat bunga ng maling kahapon...


mula kay:DANIELLE CADAMPOG

Tuesday, January 26, 2010

NAKARAAN...

Panahon man ay lumipas,
Pinagsamahan man ay kumupas,
Di pa rin ako nakaiwas,
at binalikan ang nakalipas.

Iyo pa kayang naalala,
Bawat oras na magkasama?
Ngayong tayo'y magkalayo na,
Ang isa't-isa'y,parang nilimot na.

Noon,kahit saan magpunta,
lagi lang tumatawa,
Di pansin ang problema,
Basta't an'dyan ka,lahat ay ayos na.

Ngunit ngayon,
Ako'y andito,ika'y andoon,
Ito kaya'y isa lang hamon?
o sinadya na ng panahon.

Ngunit kung ating babalikan,
At alalahanin ang nakaraan,
Ang ating pagkakaibigan,
Tila binigyan ko na ng kahulugan...

Gillimay Tubac

SADYA NGA BANG GANITO?

Bawat tao sa mundo
May iba't-ibang pangako
May kanya-kanyang pangarap
na ang nais ay matupad

Ngunit sa isang tulad ko
Pangarap ay nabuo
Na sana'y makilala ko
Taong pasasayahin ako

Nagsimula ang lahat ng 'to
Nang makita ang 'sang tao
Di alam kung papaanong
Siya'y minahal ko

Nang akin nga syang ibigin
Agad niyang nabalitaan
Ngayon tuloy di maintindihan
Kung galit sa natuklasan

Sana'y di mo na lang nalaman
aking nararamdaman
Ngayon sana'y nagpapansinan
kahit para lamang magkaibigan

Ngunit bulong ng puso ko
Ako lang ay nagpakatotoo
Na ako'y sadyang ganito
Pag nagmahal,sadyang totoo

Rachel B. Repoya

BAYAN!

Napakahirap mang isipin
Na sa puso mo'y may lihim
Tulad ng isang kalihim
Bayan nati'y mamahalin.

Posisyon mo'y pakaingatan
Gampanan ating kailangan
Nang wag mabaon sa utang
Itong ating inang bayan.

Naandito ang kabataan
upang tayo ay tulungan
Sila ang pag-asa ng bayan
na mag-aahon sa kahirapan.

Mamili ng karapat-dapat
Sa bayan natin ay sasapat
Pinunong may itatapat
Sa kagalingan nating lahat.

Mga pinunong napapako
Sa kanilang mga pangako
Puro paasa na lang sa tao
Ngunit ito'y laging bigo.

Posible bang umunlad pa?
Itong bayang hirap na nga!
Kaguluhang di mawala
Lider nating balewala.

Kaya ako;y naririto
inihayag ang nais ko
Pumili ng tatama
Sa bayan nati'y mamamahala.

John Paulo A. Fuentes

Aaminin Na Ba?

Ikaw nga ba'y walang napapansin?
O ang puso moy sadyang di maramdamin
Marapat pa bang sayoy sambitin
Na ako sayo'y may lihim na pagtingin

Sa araw-araw na ika'y nakikita
Labis na galak aking nadarama
Puso ko'y tumatalon sa sobrang saya
Makita ka lamang araw ko'y kumpleto na

Dapat pa bang sayoy aminin
Na sa puso mong manhid akoy may pagtingin
Kahit alam kong ikay di magiging akin
Dahil akoy hanggang pangarap na lang din.

Mula kay: Ivy Gelyn Q. Lanorio

Bahala Na

Bahala na kung ano ang mangyari
Kapag sa'yo ito'y aking nasabi
Ngunit sa dibdib ko ay naghahari
Ang kabang tila kuryente

Ang nais ko lang naman ay malaman mo
Itong sinasabi nng puso ko
Ngunit hindiito masabi ng diretso
Nahihiya kasi ako sa'yo

Rosas kong dala ay di maiabot
Dahil sa'yoy madaming nakapalibot
At baka masama pa ang iyong isagot
Savbihin mo pang ako'y nakakabagot

Basta lagi mo lang isipin
Kahit di ko kayang sabihin
Ang binubulong ng damdamin
Ay ikaw lang ang aking iibigin

At kahit saan ka man magpunta
Ay laging hahanapin ka
Dahil di ako papayag na mawala ka
Mahal na Mahal kasi Kita.

Ni: Raszil Talavera

Pag-ibig mong Tapat..(generOse mOnserrat)

Sa aking puso kakaiba ang nadarama
Makita ka lamang araw ko'y buo na
Una pa lamang may lihim ng pagtingin
Pilit na pinipigilan pagka't iba iyong mahal.

Sa d inaasahan nitong aking puso
Na sa puso mo'y ako'y mahal na rin
Hanggang ika'y sa akin nanligaw
Puso ko'y nagalak at ika'y sinagot


May takot at kaba sa aking damdamin
Kung ako ba talaga'y iyong minamahal
Walang ibang hangad walang ibang nais
Kundi madama ang tapat mong pag-ibig..:-)


by: Generose Monserrat

Katotohanan

Nagsimula ang lahat ng ito
Nang ako'y lapitan mo
Noong nginitian mo ako
At nakapag-usap tayo

Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko
Nang mga oras na ako'y nasa tabi mo
Parang kay gaan-gaan ng katawan ko
Kaya parang nililipad ng hangin palayo

Biglang bumilis tibok mg puso ko
Parang may mga salitang ibinabato
At nang iyon ay pinulot ko
Nalaman kong ikaw ay mahal ko

Gusto ko sanang ipagtapat na mahal kita
Pero hindi ko iyon magawa
Kaya ginawa ko itong simple kong tula
Upang sa'yo ito ang magsalita

Kaya hiling ko lang pag nabasa mo ito
At nalaman mo kung ano ang totoo
Sana ay hindi ka magbago
Kahit hanggang kaibigan lang tayo

Ni: Raszil Talavera

PINAASA..+generOse mOnserrat

Sinabi mo sa akin na ako'y mahal mo rin
Ng malaman ko ito puso ko'y nasabik
May takot na nadarama ngunit puso ang sinunod
Pag-ibig na akala ko'y magtatagal.

Di nagtagal puso ko'y iniwan
Iniwan na di alam ang dahilan
Sinaktan at walang nagawa
Binigyan naman kita ng kalayaan
pero bakit pinalit mo sakin ay kalungkutan..


by: Generose Monserrat

Maruming Pulitika

Sa pagdaan ng panahon pati na na henerasyon
Maraming nangangakong tutulong at maiaahon
Bansang maralitang kahirapan ang problema
Taggutom at taghirap na mahirap solusyonan.


Maruming pulitika ang laging hinaing
mga taong nadadamay sa walang katuturan
Mga nanunungkulan yaman ang kailangan
Nagtetengang kawali, sa harap ng madla.

Inosenteng mamayan at walang kamalay-malay.
walang humpayna patayanat kawalan ng kapayapaan.
Mga namumunong, balat sibuyas ang pinaiiral
Tambak dito, tambak doon mga palasyo't gusali.

Karimlan at kasalatan ng katarungan sa bayan.
Mga pulitikong makasarili pera ang dahilan.
Ng walang makamtan para sa bayan.
Panahon na upang mapalitan,mga katiwalian para sa bayan.



BY: JHOVEN GUDALLE
III-MERCURY

"Mapagkait Na Tadhana"

Ano bang nagawa koh
at bakit ganito?
Buong buhay ko'y
pagkakait ang natamo.

Sa simula pa lamang
nang ako'y isilang'
Puro kamalasan
ang nararanasan.

Paningi'y pinagkaitan
nasawi pa ang aking magulang,
Umiyak man o magdamdam
ngayon ay nag-iisa na lamang.

O bakit nga ba ganito
maawaing Panginoon ko,
Mapagkait na tadhana ko,
ako ba'y isinumpa mo?

ni: Irish G. Martinez

Tanging Ikaw Lamang

Simula nang una kong makita
Ang kislap ng 'yong mga mata
Di ko alam aking nadarama
Siguro nga ay mahal na kita

Hindi ko alam ang aking gagawin
Pag sa akin ikaw ay tumitinagin
Hiling ko lang ay iyong mapansin
Itong aking lihim na pagtingin

Pag ikaw ay hindi ko nakikita
Parang ang araw ko ay kulang na
Ngunit pag ikaw ay nariyan na
Ligaya ang aking nadarama

Sa lahat ng aking nagustuhan
Ikaw ay di pangkaraniwan
Dahil pag ako ay nasaktan
Lagi mong dinadamayan

Lahat-lahat ay aking gagawin
Upang iyo lang itong mapansin
Dahil di ko ito kayang sabihin
Ligaw sa tingin ay ayos na sa akin

Natatakot akong maunahan
Natatakot din akong masaktan
Pero kailangan ko itong subukan
Dahil mahal kita ng lubusan

Sakali mang malaman mo ito
At maipagtapat ko sa iyo
Hiling ko lang ay maging totoo
Kahit ako ay di mo gusto

At may hihilingin ako sa'yo
Lagi sana ito'y isipinmo
at ipinapaalala ko ito
Dahil ikaw ay mahal na mahal ko.

Ni: Raszil Talavera

T.L Ako sayo.\generOse mOnserrat

Sa Aking unang pagdating
Ikaw agad ang napansin
Kakaiba mong appeal
Ang bumihag sa akin.

Siguro nga'y gusto na kita
Ngunit feeling ko'y meron kang iba
Ano ba ang gagawin nitong aking pagsinta
Ngayo'y pag-ibig sayo'y wala lang pala.

Sa patuloy na pagdaan ng mga araw
Ang parati nalang nakatingin sa bughaw
Ang puso kong ito na sayo'y nauuhaw
Ay masidhing nagnanais na ika'y matanaw.

Maging sa aking panaginip mukha mo ang nakikita
Paano ba lilimutin ang isang paghanga
Kung talagang sa puso ko.
Ang sinisigaw nito "TL ako sayo"..

by:Generose Monserrat

Sana Ikaw Na Nga

Simula nang ako ay masaktan
Pag-ibig wala na sa isipan
Subalit ng ikaw ay masulyapan
Saradong puso ko'y muling nabuksan

Sa tuwing ikaw ay lumalapit
Lumalakas ang kabog ng dibdib
At para bang gustong sabihin
Ang nilalaman ng damdamin

Ngunit dahil sa'king katorpehan
Di masabi ang nararamdaman
At ako pa ay kinakabahan
Sa tuwing ako'y iyong tinitingnan

Tuwing ako'y kinakausap mo
Nagkakabuhol-buhol dila ko
Hindi malaman isasagot ko
Dahil natutulala ako sa'yo

Tuwing tumatabi ka sa akin
Ako sa'yo ay di makatingin
At ako ay pinagpapawisan
Sa tingin mong nakakatunaw

Siguro nga mahal na kita
Dahil sa iyong pinapakita
Pinapawi mo ang aking luha
At pinapalitan mo ng saya
Sana Ikaw Na Nga.

Ni: Raszil Talavera

Kailan Kaya?

Lagi kitang naaalala
Simula pagkagising sa umaga
Sa pagpasok sa eskwela
Hanggang sa uwian na

Lagi kitang minamasdan
Mula sa aking upuan
Pero di mo yon nalalaman
Dahil palihim kita kung sulyapan

Gusto na sana kitang lapitan
Pero sobrang daming humaharang
Na ibang mga lalaki dyan
Na higit na nakalalamang

Kaya hihayaan ko na lang sila
Na sa'yo ay magkandarapa
Pero minsan ako'y nababahala
Na baka ikaw ay mawala

Uupo na lang akong muli
At hindi na magbabakasakali
Dahil baka muli lang mauwi
Sa aking muling pagkasawi

Hihilingin ko na lang na tigilan ka nila
Yung ika'y nag-iisa na
Pero dahil sa sobra mong ganda
Minsan nagtatanong ako, KAILAN KAYA?

Ni: Raszil Talavera

Kayo Na Pala

Nung una pa lang mahal na kita
Pero di masabi nadarama
Ako kasi sayo'y nahihiya
Baka iyo lang ibalewala

Lumipas pa ilang mga araw
Nalaman ko sayo'y nanliligaw
At iyon ay mortal ko pang kaaway
Kaagaw sa lahat ng bagay

Napagisip-isip ko na ito
Kailangang ito ay malaman mo
Ngunit huli na ng nalaman ko
Na sya pala ay sinagot mo

Ako'y nasaktan sa aking nalaman
Dahil ikaw ay aking kailangan
Lubos ang aking panghihinayang
Minahal kasi kita ng lubusan

At kahit sinagot mo na sya
Ay mahal na mahal pa rin kita
Kailangang kalimutan kita
Pero tandaan mo mahal kita

Ni: Raszil Talavera

Monday, January 25, 2010

SA ISANG IGLAP LANG


Sa isang iglap lang,
Nagbago nang lahat.
Ang dating masaya ngayo'y malungkot na,
ang pagmamahal naging masalimuot pa.

Ang buhay ay laging mapait,
Di na ba magiging marikit?
Sa pag-ibig laging masakit,
Lagi na lang bang may pasakit?

At sa iglap lang,
Minahal kita ng tunay.
Kahit lahat sila'y mawalay,
Dahil ikaw lang ang aking buhay.


MULA KAY:RHIZA CARLA MALISON

Bumihag sa Aking Puso.. generOse

Oh! aking irog, ika'y iniibig kong totoo
Ikaw ang nagbigay ganda't, kulay sa aking mundo
Kaligayahang inaasam, lahat ay natatamo
Makita ka lamang araw ko'y nabubuo.

Ngayon ko lang naramdaman ang umibig ng ganito
Na halos araw-araw ikaw ang hanap ko
Mawalay ka saglit, puso koy nagdurugo
Kaya't hwag kang lilisan, mundo ko'y guguho.

Isip ko'y sayo lamang laging nakatuon
Ikaw lang ang nagmamay-ari nitong aking puso
Pagka't sayo ko naramdaman ang mahalin ng todo
Na walang ibang sigaw kundi ang pangalan mo.._)


By:Generose Monserrat
“FRIENDSHIP”


Noong una kitang makilala
Loob sayo ay napalagay na
Ninais na lubos kang makilala
Hindi na ako nagpaligoy-ligoy pa.

Lahat ng tungkol sayo ay nalaman na
Tungkol sa buhay at barkada
Sayo’y lubhang napalapit na.

Tingin sayo biglang nag-iba
Nag-aalala tuwing di ka nakikita
Sa tingin ko’y iba na talaga
Ika’y aking minamahal na.

Ito’y aking minabuting itago
Hanggat maaari sana’y di mabago
Kung ito’y sakaling malaman mo
“friendship” sana natin di magbago.

Mula kay:JOHVELYN ALCANTARA
Nakapatay Ako

Hindi ko sinasadya ang nangyari. Ngunit sa hindi sinasadyang pagkakataon ay nakapatay ako. Alam kong madami-dami na rin sa mundo ang nakagagawa noon, ayokong maging isa sa kanila ngunit sa pagkakataong iyon ay kailangan. Napilitan na ako sapagkat alam kong pag di ko nagawang patayin ka ay mas malaking purwisyo pa, kaya't nagawa ko iyon. Ngunit di ko akalaing di ko pala kakayanin, kayat nang makita ko ang walang buhay mong katawan ay nasuka ako. Nakakarimarim ang ginawa ko, pagkat nakita kong lumabas ang laman loob mo. Mas lalong di ko kinaya kaya't nagpatuloy ako sa pagsuka. Agad ko na ring hinugasan ang aking tsinelas. At don naalaala ko ang sinabi ng ina ko "lahat ng may buhay ay may pakiramdam", kaya't nakonsensya ako. Mapatawad nawa ako ng kawawang IPIS na aking napatay.

by: Sharmaine L. Colita

Unang Tibok ng Pag-ibig

Sa pagsapit ko bilang isang dalaga,doon ko naramdaman ang
tunay na halaga ng isang pagsinta.Wala naman talaga sa isip ko ang pumasok
sa ganito,animoy maynagtulak sa akin.Wala na akong magawa,kaya ipinagpatuloy
ko.Sa una masaya pala makakadama ka ng kagalakan at may mga bagay matututunan.
At dito ako unang nasaktan,anubang kasalanan ko?masama bang magmahal ng sobra -
sobra?Ginawa mo naman lahat ang magagawa mo,pero parang hindi nagbunga na maganda,
kumbaga sa pagluluto gusto mong makuha ang tamang sarap,hindi mo makuha ng tama
kasi may sangkap na hinahanap para sa tamang panlasa.Ganito talaga ang buhay ng
tao lalo nasa pag-ibig minsan matamis at makakadama ka rin ng pait.Pinadama mo na
ang pagmamahal,banigay mo na ang lahat,halos hindi ka na nga magtira para sa sarili mo
mapaligaya lang siya.Paano kung dumating sa puntong hiwalayan,ano gagawin mo?
Para sa akin,hinda katapusan ng mundo magiging inspirasyon ko pa nga siya para sa
hinaharap.Kung hindi kahapon,ngayon at bukas mahihintay parin ako para sa kanya,
dahil naniniwala ako na kaya niya rin akong mahalin tulad ng wagas na pag-ibig ko sa
kanya.

Mahal na mahal ko parin siya hanggang ngayon.Masaya akong naging bahagi
siya ng buhay ko at tinuruan niya akong magmahal.

Kung hindi man ito ang takdang oras para sa akin,hiling ko na sana sa
magdadaang maraming henerasyon at muli kaming magtagpo sana tulungan ako ng
tadhana.

Siya na sana ang una at huling tibok ng pag-ibig ko.
Bakit Ka Nawala?

Nang ika'y naglaho, mundi ko'y gumuho
Mga pangako'y lahat ay napako
Di ko malaman kung san tutungo
Itong aking kaawa-awa't sugatang puso

Dahil sa walang dahilan mong paglisan
Puso kong walang alam ay labis mong nasaktan
Ang mga mata'y iniwan mong luhaan
Tunay na kasawian, aking naramdaman.

by: Ivy Gelyn Q. Lanorio
LARONG KINAGISNAN


Naalala ko noong tayo'y bata pa,
Paglalaro ang nakapagpapasaya
At di ang makabagong teknolohiya
na sa panahong ito'y umuusbong na.

Bahay-bahayan sa ating likod bahay
May pamilyang masaya raw namumuhay
Nandyan din ang masayang laro ng piko
Pati na rin ang habulan at ang sikyo.

Ang tumbang-preso na madalas laruin
Pagkatapos ng ating mga gawin.
Ang chinese garter na madalas talunin
Maging hanggang ulo ay kayang abutin.

Itong mga larong ating kinagisnan
Ngayon ba ay atin nang kalilimutan?
At ipagpapalit sa ibang laruan
Na mas mahal pa sa ating kinakain.



Mula kay:SHIELA MARIE V. FULIGA

"Pusong Palaging Bigo"
(Ma. Katrina M. Bautista)

Nang iwan ako ng taong mahal ko
Ika'y dumating at dinamayan ako
Nung nag-usap tayo, nagulat ako
Sabi mo karibal mo pala 'bestfriend' mo

Isang araw ikaw ay sumulat sa akin
Nagtatapat ka sa tunay mong damdamin
Na simula dati ika'y may pagtingin
At inamin ko'ng ako'y nabihag mo din

At ngayon nalaman ko na mahal na kita
'Bestfriend mo'y tuluyang nilimot ko na
Pakiramdam ko sa'yo ay mas masaya
Hiling ko sana'y pakiramdam ay tama

Sa bawat araw na taoy'y magkasama
Tampuhan ay talagang di maiwasan
Hanggang sa sobra mo na 'kong sinaktan
Ewan kung bakit kailangan mong lumisan

Ngayo'y tuluyan mo na 'kong iniwan
Pano na'ng pangakong iyong binitiwan?
Na magpakailanman ako'y dadamayan
Maging sa hirap pa o ginhawa man

Ngayon pilit ko kayong nililimutan
Kayong dalawang bahagi ng nakaraan
Kayong dalawang nangakong walang iwanan
Ay kailangang idaan sa limot na lang

At hanggang ngayon mahal na mahal pa rin kita
Higit pa sa pagmamahal ko sa kanya
Bakit ikaw pa minahal ko ng sobra?
'Yung taong saki'y lubos na nagpaluha.

Sunday, January 24, 2010

"NANG DAHIL SA PAG-IBIG"

Nang dahil sayo naging "Tanga" ako dahil minahal kita..
"Tanga"ako dahil ako ay umasa..
"Tanga"ako dahil hindi kita magawang kalimutan..
"Tanga"ako dahil nagpadala ako sa mga titig mo...

ang "Tanga"ko kasi,hindi ko magawang ma-turn off sayo
although i have many reason from you to be dissapointed for me...
"tanga"ako dahil hindi ko kayang mapaglabanan ang puso ko..
"Tanga"ako dahil ikaw pa ang minahal ko..
"Tanga"ako sabi nila,kasi daw ambisyosa ako..
okay lang yon..kaya ko pa naman eh..mag-tiis?masaktan?..sige lang..
pero sna marealize mo na naging "tanga"ako DAHIL SA PAG-IBIG ko sayo...

"too much expecting is not good to each loving.."


mula kay:MAUREEN M. OLAN

"NASAAN KA NA?"

Hinahanap ko ang pag ibig mo.... pati na ang puso...
ako'y iiwan nais ko ay ipadama ang pag-ibig ko...
tara na, mahalin mo rin ako...
nasaan ka na di ka na matanaw...
ang bakas ng puso mo...
na patuloy na lumalayo...
ewan ko ba kung bakit kailangan pa?
na malaman ang tunay na nadadarama....
nasaan ka na babalik ka pa ba?
ako'y naghihintay na para lang sayo
nasan ang puso mo kapag wala ako?
ay para bang bula na biglang naglaho...
nasaan ka na? ako ba'y iiwan mo?
at patuloy na sasaktan ang puso kong ito....
paalam na mahal...ngunit paano na ako?
iyo na lamang baunin ang pag-ibig kong ito....
at gawing sandata sa iyong pag layo...

mula kay:MARICAR VILLACRUZ

"Tapos na"

Nagsimula sa asaran...
na humtatong pagkakaibigan...
batuhan, suntukan...
at kung anu-ano pang kalokohan...

Masaya pag kasama ka...
lalo na pag sa aki'y tumatabi ka...
kahit na mga biro'y di nakakataw...
napipilitan tuloy akong tumawa...

Hanggang humantong sa pag ibig ang lahat...
na talagang kanilang kinagulat ...
lalong naging masaya kapag tayo'y magkasama...
at sa gabi mukha mo ang nakikita...

Ngunit sa lahat ng saya...
masasaktan ka rin pala,
natapos na ang lahat...
at ngayo'y patuloy na naghahanap...
ng maipapalit sa iyong mga ala-ala...
ngunit hanggang ngayo'y di maitatangging..
"MAHAL PA RIN KITA..."

mula kay:ELAINE D. HONDRADE

"Best or Love"

Sabi nila ang pagiging kaibigan ay hindi "LOVERS"at ang pagiging "NEVER" magiging best of friend
pero posible kayang ma-inlove sa isang bestfriend ang friend....

Sa lahat ng pagsubok, bestfriend mo ang tumutulong pero pangit siguro kung pagtangkaan mo siyang ligawan.Nagtiwala siya sa iyo bilang kaibigan, pero handa ka na bang pumasok sa isang relasyong walang kasiguradohan.

Sabi ng nakatatanda sa akin,ang pag-ibig ngayon ay maraming aspeto ngunit marami ring paraan para masaktan ka. Marami pa raw tayong kakaining bigas at tatahaking landas upang magmahal pero ang magmahal sa maling panahon ay masasabing mali. kailangan ba nating tumaya sa love tayo'y bubot at hindi pa namumukadkad. Pero, pero, pero, posible kayang frienship mapunta sa relationship? kayo ba? posible para dito? ang magmahal ay wagas at masaktan ay hindi mo makakalimutan kailan man. Minsan, puso natin ay iniaalay kaagad natin sa iba pero may iba dahil d'on, sa best nila binibigay ang kanilang love tiwala sila rito. Pero, bakit ganoon pag-inibig ang ibang tao obligado mo siyang i-text, obligado mong alahanin ang inyong monthsary. pero pag bestfriend mo, kahit hindi ka magparamdam okay lang kaya sa kanya pag natapos ang lahat, ang iniingatan niyong friendship among the years ay masisira.

Sabi nga, bago mo hamunin ang mundo, simulan mo munang hanapin ang pinakasimpleng part ninyo. Pero bahagi ito ng landas sa mas malaki at tunay na buhay. Kya ingat sa "love" ha?????????????


mula kay: DARWIN AGUILAR

"KAIBIGAN"

Sa panahon ng lungkot at saya..
Ikaw ang aking laging kasama..
mapa tawanan man o iyakan pa..
sa Iyo ko sinasabi aking nadarama...

Minsan naisip ko,
Ikaw ba'y totoo?
dahil may mga oras na nagdududa ako..
mahirap mang isipin subalit parang totoo..

Ngunit ako pala'y nagkamali...
sa aking pag-aatubili..
nang ako ay magbusisi..
sa naturang mga saksi...

Lahat sila ay buwaan...
di nagsabi ng katotohanan...
gusto lang siraan...
ang tapat na kaibigan....

Salamat sa iyo aking kaibigan...
mga payo mo'ng hindi ko malilimutan..
bagama't may oras na hindi tayo nagkakaintindihan...
lagi mong taandaan mahalaga ka sa'kin "KAIBIGAN"....

MULA KAY:KATHLYN JEAN AUSTRIA

"TINIK SA DIBDIB"

Sa gitna ng dilim,
ako'y nagninimdim...
na dulot ng sakit,
na ikaw ang nagtanim...
gasgas, pilat, sugat na malalim...
pag-ibig mong animo'y "rosas" na matalim...

Pilit mang gamutin ng papuri't saya...
bakas ng lumipas 'di parin mabura...
nagmarka ang pait ng iyong ala-ala...
hapdi ng sugat at nabigong pag-asa...

Giliw ko pakinggan mo...itong sasabihin ko..
walang halong biro, nagmula sa puso...
sana'y marapatin mo itong pagsinta ko...
dahil ikaw lamang sinta ang minimithi ng puso ko...

mula sa madamdaming panulat ni:RENJIE RANES

Mapaglarong Pag-ibig

Hindi maiwasan na tayo'y mapahanga sa ating kapwa, natural lang yan para sa ating mga kabataan. Hanggang sa dumating yung araw na hindi na natin mapigilan ang ating nararamdaman, namamalayan nalang natin na ang paghanga ay mas lumalala.

Nakakatuwang isipin na sa ating mga simpleng pag-aasaran sa bawat isa nahuhulog na pala ang ating kalooban. Dun na nga darating yung pagkakataon na mamimiss mo yung mga araw na kayo'y masaya, nagpapalitan ng mga jokes na kahit "corny" ay hinahayaan lang para iparamdam na napapasaya ka niya,idagdag pa ang mga asarang "lugi ka ngayon!!".

Harutan pag nasa paaralan, sabay kapag uwian at siyempre text- text pag kinagabihan.Darating na sa puntong tatanungin ka niyang "pwede bang manligaw?" sino bang hindi kikiligin sa tanong na 'yon lalo na kung gusto mo rin yung tao. Pakipot pa na kunwari'y aayaw-ayaw pero deep inside tuwang-tuwa! Mararamdaman mong nagiging masaya ka sa pagdaan ng mga araw hanggang sa sasabihin na lang na "OO, sinasagot na kita" Siyempre, ang lalaki, tuwang-tuwa naman. Pero hindi lahat ng pagkakataon kayong dalawa'y parating masaya,may mga problema na darating at susubukin ang inyong pagsasama,inyong susubuking malampasan at ito'y pagtibayin pa. Kapag nagkatampuhan iisip ng paraan para magkaamuan.Mga linyang"SORI NA KASI," "HOY WAG KA NANG MAGALIT, DI KO NAMAN SINASADYA EH...", "PANGAKO MAGBABAGO NA AKO, DI KONA UULITIN!" ilan lang 'yan sa mga pang pukaw ng galit.

Kinabukasan, okay na kayo,masaya na ulit, pero unti-unting nababawasan ang tiwala at nadadagdagan ang paghihinala. hanggang sa kasukdulan meron ng masasaktan, doon na mag-uumpisa magkalabuan. Hahantong sa break up dahil sa hindi pagkakaunawaan. Syempre naman hindi mawawala ang iyong sandigan, ang mga tapat na kaibigan. Sabi na iba ang iyong "shoulder to-lean-on. Sa kanya mo ilalabas ang iyong sama ng loob, dadamayan ka sa oras ng iyong kasiyahan maging sa panahon ng kabiguan. Papayuhan pa ng mga tamang desisyon at dapat mong gawin pero hindi sa lahat ng oras ang kaibigan ay nandyan, dahil meron din sila problemang hinaharap.

Ang sarap pakinggan ang mga linyang "huwag kang mag-alala, nandito lang ako para samahan ka", payo na pampalakas ng loob, at hindi mawawala ang linyang "ayan kase, sobra kang nagtiwala e di ikaw ngayon ang nasaktan". Sa bawat linyang lumalabas sa ating mga bibig, gumagana din dapat ang ating pag-iisip. Susubukin mag-umpisa muli ani ngay "Move on " kalimutan ang nakaraan at sabihin "PAST IS PAST, NEVER BEEN BACK". Hindi rin naman maiiwasan maalala ang nakaraan, dahil alam mo sa sarili mo na kahit nasaktan ka na nya, sya parin ang mahal mo. Siguro ganyan nga talaga ang pag-ibig sa kabataan.


by: kristhene

Saturday, January 23, 2010

best Friend.. Laica Gonzales

Tayong dalawa ay masaya,
Kapag tayo ay magkasama,
Saan ka man pumunta,
Sinusndan pa rin kita.

Kahit na ako'y iyong tinutukso,
At sinasapok mo man ako,
Binabalewala ko lang ito,
Dahil magkaibigan pa rin tayo.

Pero ngayon ay nagbabago na,
Ugali mo ay nag-iiba,
Dahil kasama mo sila,
Tayo ay magkaibigan pa ba?


by:Princess Laica Gonzales...........

Friday, January 22, 2010

"ANG ATING BANSA"(IVAN GABRIEL ECHON)

Hindi na lingid sa aking kaalaman
na marami na sa ating mga kababayan
nalimutan na ang bansang ating pinagmulan
bansang nagbigay ng maraming karanasan...

Ang iba sa atin nag-iibang bansa
at nalilimutan na ang tinubuang lupa
ni hindi na tinatangkilik ang sariling likha..
ang ating produktong pinagyayamang kusa...

Kaya tayong mga Pilipino'y umahon,bumangon
huwag hayaan ang dayuhan na tayo'y itapon
tulad ng nangyari sa nagdaang kahapon
pinahirapan, pinatapon,dito at doon...

Mahalin,alagaan ang lupang tinubuan
ngumiti ng may tamis sa ating inang bayan
gawin natin,ayusin ang nasirang yaman
ng sa ganon ang bansa'y sumalamin sa kaunlaran...

Tuesday, January 19, 2010

"HESUS" ni: JAYMAR B. ICAONAPO

Malungkot na nakatanaw ang maputlang mukhang yaon ng lalabing-isahing bata na si Suzuki, sa bagamat bughaw na kalangitan ay mapapansin ang mga nakakalat na ulap na may bahid ng karimlan. Marami sa mga kapit-bahay nila ang nagbibigay ng papuri para sa kanya. Siya'y isang mapagmahal na anak, mabuting kapatid at higit sa lahat ay may pananampalataya sa Poong Maykapal. Sa kanyang pagkakatitig sa kalangitan hindi niya naiwasan ang mangamba.Nangangamba siya na maaring ngayon,mamaya o maaring bukas at maari rin namang sa isang araw ang dating bughaw na langit na walang bahid ng karimlan ay hindi na niya masisilayan pa.anim na araw na rin ang nakalilipas buhat ng sabihin ng doktor na tumingin sa kanyang sakit na hindi na magtatagal ang pamamalagi sa daigdig.Siya'y nakahiga noon sa loob ng ospital n bagama't nakapikit ay gising ang buong diwa,na inakala ng nasa loob na siya ay natutulog.Narinig niya ang impit na iyak ng kanyang ina at dalawang nakatatandang kapatid batid niyang pinipigilan ng mga ito ang mapagbulahaw ng iyak dahil sila'y nangangamba na siya ay magising.Buhat ng siya'y iuwi sa kanilang bahay,sa tuwina'y ngiti at masayang mukha ang inihaharap ng kanyang ina at mga kapatid sa kanya.Ngunit batid niya'y nasa mga mukhang yaon,naroon ang kalungkutan.Ngunit sa kanyang sarili'y naroon ang pag-asa.Patuloy siyang makikibaka sa sakit na ikinamatay ng kanyang ama,anim na buwan pa lamang ang nakalilipas ng siya ay ipanganak............ ,"CANCER SA BAGA"
natigil ang kanyang pagmumuni-muni dahil sa pagdaan ng kumpol ng kabataan.Maingay ang mga ito dahil sa isang batang lalaki.Inaaway at pinagtatawanan nila nag batang yaon.Kakatuwa ang mahaba at kulot nitong buhk na abot hanggang balikat dahil siya ay lalaki iyon marahila ng dahilan kung bakit ito tinutukso.Pumanaog siya mula sa bintanang kanyang kinauupuan.Nilapitan niya ang mga ito at sa kanyang paglapit ay siya namang pagalis ng mga bata at naiwan ang kanilang tinutukso na umiiyak.Tinanong niya ang dahilan ng pagiyak nito.(Sinabi ng bata)
"Nais ko lang makipaglaro sa kanila ngunit sa halip na isali ay inasar at pinagtawanan nila ako!"sagot ng batang umiiyak.
Gusto mo tayong dalawa na lang ang maglaro?malawak ang aming bakuran sa likod ng aming barong-barong.Pumayag ang bata.Masaya silang naglalaro,pati ang mga ibon nakikisaya sa dalawa.Ang mga bulaklak na nalalanta'y kakikitaan ng sigla.
Maya-maya'y tinawag siya ng kanyang ina upang uminom ng gamot.Saglit siyang nagpaalam sa bata.Nagtaka nag kanyang ina dahil sa siya ay pawisan at hinapo.Ang alam ng kanyang ina siya ay nakahiga at hindi siya maaring lumabas dahil sa siya'y mahina.Lalo pa itong masindak ng sabihin niyang siya ay galing sa paglalaro.
Di makapaniwala ang kanyang ina na ang katulad niyang isang mahina at may taning na ang buhay ay nagawa pang makipaglaro.Ngunit,gayon pa ma'y pinuntahan nila ang bata.Wala na ito roon.Ano mang hanap ang gawin nila hindi nila matawag dahil nalimutan ng kanyang anak na itanong ang pangalan ng bata.
Lumungkot ang mukha ni suzuki.Pumasok siya sa loob ng bahay at nahiga.Nakaramdam siya ng labis na panghihina.Naiwan ang kanyang ina na natitigilan.Kapag daka'y tinawag ang panganay na anak at tinanong kung saan nagpunta ang kalaro ni suzuki.Sinabi nitong nakita niyang naglalaro si suzuki ngunit mag-isa lamang ito.naktaka ang ina ni suzuki ngunit natigil ito ng marinig ang sunod-sunod na pag-ubo niSuzuki.Pagpasok niya sa silid ng anak ay nanindig ang balahibo dahil sa dami ng dugo na lumabas sa bibig nito.Pinainom niya ito ng gamot at tumigil ang pag-ubo.Hanggang sa mga sandaling iyon ay talinghaga sa kanya ang pagkakaroon ng pansamantalang lakas ng anak na nagamit nito sa paglalaro.
Dumaan ang ilang araw at si Suzuki'y patuloy na nanghina .Hinintay niya na sana ay dumating ang kanyang bagong kaibigan.Nang hapong yaon,samantalang nakahiga ay may narinig siyang huni ng mga ibon,na animo y umaawit.Dahan-dahan siyang tumayo at dumungaw sa bintana.Muli niyang nakita ang bata.Patakbo siyang lumabas at nadatnan niya ito na nakikipaglaro sa mga ibon.
Nangunot ang kanyang noo nang tumanbad sa kanyang paningin ang dalawang palad ng bata na may butas sa gitna at ang dalawang paa nito.
Nang pumasok ang kanyang ina sa kanyang silid ay narinig ni Suzuki ang malakas na bulahaw nito, kasunod ay ang pagdating ng kanyang dalawang kapatid at di rin napigilan ang mapaiyak nang mapagmasdan ang kanyang mukha na payapang-payapa at mahawakan ang kangyang malamig na katawan.
Sa sandaling nais niyang tumakbo papasok sa bahay ngunit napigil ito ng isang maputing ulap na sumukob sa kanyang buong katawan.!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!



MULA SA MADAMDAMING PANULAT NI: JAYMAR B. ICAONAPO

Monday, January 18, 2010

"SULUTERA"

" MASAYA KA NA BA?PINAGMUKHA NIYO AKONG TANGA!!!!BINIGAY KO ANG LAHAT,UPANG SA'TING PAGSASAMA ORAS NATI'Y LAGING MASAYA......"

Hindi ko naisip,
ito'y kayang gawin
ng taong pinagkatiwaalan
at sinubukan kong mahalin....

Kayhirap magbago,
gaya ng nais mo...
subalit kay pilit ng puso....
nais sundin ang gusto mo....

Anong sobrang sakit ang 'yong iniwan
lungkot at pighati
ang tanging nakamtan
dahil sa pagmamahal na alay sayo lamang...

Akala ko tayo na,ang laging magkasama...
ngunit ang pangako mo,ay kunwari lang pala...
gaano kasakit ang aking nadarama?
dahil sa pagtataksil ninyong dalawa...

Hanggang dito na lang ba?wala na bang pag-asa?
binalewala mo lahat ng ating pagsasama..
dahil ba sa kanya,kaya iniwan mong nag-iisa?
ang puso kong walang ginawa kundi ang ibigin ka....


mula sa panulat ni:MARIBEL MOYA

Saturday, January 9, 2010

Oras

"Oras"

Simula sa sandaling ika'y umalis
Kailanman sa isipan ko'y di ka nawaglit
Bawat kalungkutan at paghihinagpis
Para sa iyo ito'y aking matitiis


Sa mga ala-ala nating kaysaya
Ngiti mong kay tamis ,nangingislap mong mata
Hindi kailanman mawawaglit sa ala-ala
Ang tinig mong kay lambing sa tuwing naiisip kita


Ngunit sinta ko ,mula ng ika'y lumisan
Palagi kong minamasdan ang ating orasan
Kung kaya ko lamang ibalik ang nakaraan
Pipiliin ko ang oras na ika'y nasa kandungan


Ngayong nag-iisa at iyong iniwan
Parang ang puso ko ay labis na nabibigatan
Sa harapn ng sandaling ito ako'y nasa iyong libingan
Ang oras na sinabi kong "Mahal sa iyo'y Paalam"


Isinulat ni:Sanielyn Paraiso
Itay!!!Inay!!!

Pagod,puyat,gutom ang kanilang tinitiis
Di alintana ano man ang sapitin
Maibigay lang lahat ng naisin
Ng magulang na di kayang tiisin


Kung minsan sukli'y di makatwiran
Sa magulang na siyang sumilang
Nagtiis sa paghihirap
Para makamit mo lang ang iyong pangarap


Nang ikaw ay isilang
Pinalaki ng magalang
Ngunit pagsuway di maiwasan
Si Itay...Inay...kawawa naman


Ginapang sa hirap mapagtapos lamang
Ginawa lahat mapag-aral ka lamang
Binigay ang luho at pangangailangan
Para panunumbat ay maiwasan


Sa panulat ni:Angelyn V.Quizon


Kabiguan

"Kabiguan"

Sa dalawang pusong nagmamahalan
Hindi maiiwasan ang may masaktan
Hindi anuman sa mga kadahilanan
Kung hindi sa pusong may di pagkakaunawaan


Masakit isipin ngunit kailangang tanggapin
Na hindi lahat ng pagkakataon ikaw ay nasa akin
Mahirap man ito para sa akin na ikaw ay pakawalan at palayain
Ngunit kailangan kong gawin upang sakit ay di lumalim


Sa isang katulad mo na minahal ko ng totoo
Na mahirap limutin kahit lahat pa ay magbago
Kung para sayo lahat isasakripisyo ko
Manatili ka lamang sa buhay ko


Kabiguan ay di matatakasan
Kahit sino pa man ay iyong ipaglalaban
Sa mga pusong ngayo'y luhaan
Kabiguan ang nasa isipan


Isinulat ni :Angelyn V. Quizon
III-Mercury

Friday, January 8, 2010

"Pamamaalam" (Precious Arlene Villaroza)

Kasing kinang mo ang tala
giliw ko ika'y maniwala
gandamo ay kakaiba
tinig mo ay nakakahalina


Hilingin mo man ang aking paglayo
pag-ibig ko ay di maglalaho
kahit gumuho man ang mundo
kahit humadlang pati ang puso


Diko lubos isipin
na mawawala ka sa akin
pagka't ang nais nitong damdamin
akoy iyong muling mahalin


kahit isang minsan
mukha mo'y muling masilayan
ng maiukit ko sa aking isipan
pagkat ito ang aking pamamaalam.


sa panulat ni: PRECIOUS ARLENE VILLAROZA

maling kahilingan

Pag-ibig nga ba ang sagot sa tanong ko? o isa pang dagdag sa dinadala ko?

Marami akong problema sa buhay,tulad na lang sa pamilya,kaibigan,kaklase at sa paaralang pinapasukan.Lumaki akong malayo sa tao,at ang tanging kasama sa buhay ay ang pamilya kong maingay.Kaya naman,ng ako'y magdalaga nahirapan akong makisama sa iba. Kaya naisipan kona humiling ng isang bagay na akala ko'y imposible, na pwede pa lang mangyari.

Matagal kong hinintay ang araw na yaon,bagamat imposible, walang gabing hindi ako nagdarasal sa pagdating ng taong mamahalin ko at iibigin ko ng totoo.Kahit gaano katagal o kahirap kinaya ko,hindi naman ako binigo ng Panginoon sa aking hiling at ipinagkaloob nya sa akin ang lalaking hinahangad ko.Labis ang aking kasiyahang nadarama dahil sa wakas dumating sya.

Naging maligaya ako ng mga araw kasama sya,lumalim ang aming relasyon at naging legal sa pamilya ko, ngunit hindi sa parte ng pamilya nya.Tutol ang kanyang Ama't Ina, dahil nag-aaral pa.Hindi ko inisip ang bagay na iyon. Ang mahalaga sa akin ay di ako magkulang sa kanya,oras,pag-ibig at pagkalinga.

Madalas nyang banggitin sa akin na mahal daw nya ako,ngunit ni minsan hindi ko naramdaman ang tunay na halaga ng katagang iyon sa kanya.Sa hindi inaasahan habang tumatagal lalong lumalayo ang loob sa akin ng aking hiniling na maging kasintahan.Hindi ko alam kong bakit, may pagkukulang ba ako tanong ko sa sarili ko?Kay hirap unawain ng mga pangyayari.Lahat ng nais kong mangyari sa hinaharap ay unti-unting naglalaho.

Nilakasan ko ang aking loob sa pag-aakalang masusulba ang aming relasyon. Subalit sa tuwing tatangkain ko siyang kausapin ay pilit siyang umiiwas. lalong naging magulo ang aming sitwasyon. Luha ang gamot sa bawat sugat na tinatamasa. Unti-unti nang nilamon ng kahinaan ang aking puso't isipan at napagdesisyunang humiwalay sa kanya. Hindi naman siya nagdalawang isip at kanyang tinanggap ang aking sinabi. Galit at pighati ang tumunaw sa aking gabi, sapagkat aking natanto na hindi niya ako minsan mang minahal. At ang kanyang sinabi ay isang malaking kasinungalingan. Kaya heto ako ngayon nahihirapan na kalimutan ang nakaraan dahil sa "maling kahilingan"..

worked by: Pamela Pacao

Ang NAg-iisang INA "Peter Padilla"

Ang ina ko,
Sinabunutan,haggang makalbo.
Tao'y nagsilbing mga kuto,
Na nagpasakit ng kanyang ulo.

Lapnos ang anit,sa tindi ng init,
Nang dahil sa tao,araw'y nagngitngit.
At tao pa ang may ganang magalit?
Sa kabila ng kanyang sinapit!

Buga rito,buga roon,
Usok,na sa langit ay tinapon,
Ng mga dakilang imbensyon,
At teknolohiyang sa isipa'y lumamon.

Nang dahil sa aking ginawa,
Ako'y kaawa-awa.
Ako'y winasak ng bawat nyang luha,
Na sa mundo'y bumabaha.

Ang tao sana'y matutunan,
Na pahalagahan,ingatan,
At alagaan,...
Ang INANG KALIKASAN.

Batang Pag-ibig ''Leo Cantiga

Kayong mga bata, mabilis kung maniwala
Sa ating nakikita,ay kay bilis ding humanga,
Kung kaya't ating nagagawa
Sa panahong hindi pa tayo handa.

Sa unay magpapakilala,hihingin ang numero,
Sa gabi, teks teks kayo.
Sa umagay mag babatian kayo
Hanggang mag uwian kayo.


Darating sa punto, na magiging kayo,
Sa ibay masaya, sa ibay katakataka,
Agad nagkasundo kayong dalawa,
Pag-ibig nga, sa inyong dalawa.

Kapag iniwan, ay magtatampo,
At sa kinabukasa'y meron ng bago,
Ganyan daw magmahal ng totoo,
Mga bata, batang katulad ko.

Sa isip nati'y kaya? sa puso natin ay di kaya!
Kung tayo'y umibig na,
Bata pa nga talaga.

Sa Aming Tahanan "Emil Goza"

Sa aming tahanan ay hindi nagkukulang,
Ng mga pangaral ang aking magulang,
Lahat kaming magkakapatid ay magagalang,
Dahil sa turo ng mahal kong tatang.

Sa aming tahanan ako'y masipag,
Gayon din ang aking magandang hipag,
Habang naglilinis ay may tumatawag,
ayon pala'y si nanay na nagpapagpag.

Sa aming tahanan ako'y mabait,
Dahil ang lolo ko'y malupit,
Ako ay kanyang hinahagupit,
Kapag ako ay napakakulit.

Sa aming tahanan sagana sa pagkain,
Mayrong adobo at masarap na kilawin,
Umagahan at hapunan ito hinahain,
Ng nanay kong maganda at mahinhin.

Sa aming tahana'y may natatanging gamit,
Mga medalyang aming nakamit,
Ang mga ito'y sa sala isinasabit,
Upang makita ng matang marikit.

Paraiso '' Carlo Ulan

Mahal nating pariso, ngayon po ay naglaslaho,
Dahil sa pangaabuso, ng mga taomg walang puso,
Tinutuyo amh mga ilog, pinuputol ang mga puno,
Kaya aking masasabi, atin po itong ihinto.

Kung hindi tayo titigil,tuluyan nang maglalaho,
Paraisong minumutya, ng kapwa ko pilipino,
Lahat na ay masisira, pati sa diyos na pangako,
Na ating aalagaan, lahat ng kanyang binuo.

Pero maraming paraan upang mundo'y maisalba,
Sumunod sa ating batas at mag resaykel ng lata,
Itigil n ang kaingin, ng maging kaaya-aya,
At maipagmalaki pa, natin sa ibang bansa.

Sa Mahal Kong Ina "Jomari Isla"

Sa mahal kong ina,salamat sa lahat,
Ikaw ang nagbigay sakin ng sapat,
Ikaw ang nagmahal sakin ng tapat,
Inang nagbigay sakin kung anung dapat.

Ina,nais kong ika'y pasalamatan,
Dahil kahit kailan 'di mo ako pinabayaan,
'Ni kailan 'di mo ko pinagmalupitan,
Higit sa lahat 'di mo ko kayayng saktan.

Ngayon ako'y nangangako sa'yo ina,
Ang pag-aaral ko'y aatupagin na,
Aking sarili ay aalagaan na,
Masuklian ka lang mahal kong ina.

Thursday, January 7, 2010

"PUSONG NAKALIMOT"

Sa sakit at kirot
na iyong idinulot,
puso'y nakalimot,
napuno ng imbot.

Aking puso na ngayo'y malungkot,
at pagkasuklam ang bumabalot
pagmamahal ay tuluyang nilimot,
dahil sa sakit at sobrang pagkapoot.

Lahat ng liham na aking ibinilot,
dahil sa isipan ikaw ay salot
salot na sa aki'y nakapagdudulot,
ng sobra-sobrang pagkalungkot.

dahil sa iyong pag-ibig,
ako ay nalugmok
sa iyong kataksilan,
na pilit nililmot.


Sa Panulat ni:ANGELYN V. QUIZON

"LIHAM"

Sa pag-ibig kong itinatago,
mula sa pusong dati'y nabigo
sa liham ko lahat ibinugso,
ang nais sabihin ng aking puso.

Simula pa sa umpisa,
nang ikaw ay aking makita
ngiti ng 'yong labi'y
akin agad na napuna.

kakaibang ningning mula sa iyong mga mata,
ay nakapagdudulot sa akin ng kakaibang ligaya
o bakit ganito ang nararamdaman ko sinta?
nais ko sanang sabihin na "mahal na kita."

ngunit ako'y nangangamba na baka ika'y mag-iba,
kapag iyong nalamang sa iyo'y umiibig na
kaya sinta ko sa liham na iyong nakita
iyo sanang sagutin ang pag-ibig ko sa iyong nadarama.

SA PANULAT NI: JOSEPH NOEL B. LIBRES

"MAGULANG"

Nang tayo'y isinilang,
sa mundo ng kaalaman
ang ating unang nakagisnan
ay ang mapagmahal na mga magulang.

natuto tayo at nagka-ideya,
gustong mamuhay ng mag-isa
ngunit magulang ay paano na?
ngayong mahina at matanda na.

magulang na laging sumusuporta,
na sa isang iglap,nalimot mo na
sakit ng ulo at pagdurusa,
na ikinasanhi ng pagkalugmok nila.

magulang na sana'y pinapaligaya,
ganti man lang sa mabuting pagpapalaki nila
sambit ng magulang sa huling hininga,
"anak ko,anak ko...nasaan ka na?".

SA PANULAT NI:SANIELYN L. PARAISO

"Liwanag Sa Dilim" (Renjie Ranes)

Kasabay ng paglubog ng araw... ang paglaho ng pag-asa... pag-asang pilit na ina-abot ang rurok ng kaligayahan... kaligayahang binalot ng lungkot at pangamba...

lungkot na sanhi ng pagtutunggali... ng puso't isipang hindi mapakali... ang puso kong nagnanais na magmahal ng labis ay sya namang bawal sa panig ng isip... suhestiyon ng nais... wag unawain ang pag-ibig, bagkos pag-aaral ang dapat isa-isip...


Ika nga ng iba.."kung ano ang nasa puso mo, sundin mo".hinagpis ng ala-ala ang lagi kong kasama...
na dala ng simoy ng hangin na nagbabadya ng matinding pangamba...pangamba na duloy ng pag-aalala na baka masaktan lang at iyong paglaruan...

Sa ilalim ng punong nababalot ng dilim...ay mayroong malamig na duyang nakabitin..kasing lamig ng bangkay na katawang lupaypay...na sa tindi ng sugat at labis na sakit...hinahatid sa hukay at gusto ng mapikit..nang sa gayon..ang damdami'y magmistulang manhid...

sa ugoy ng duyan, ako ay nagising kasabay ng pagtunghay ay si "LUNANG"nagbigay.. ng kislap ng liwanag..na aking nabanaag...at nag bigay ng pag-asa sa malungkot kung mga mata...minsan pa...minsan pa...at sumibol ang pag-asa...muli kong ipinikit ang matang naniningkit..at narinig ang isang malamyos na tinig at nagwikang,"ANAK'ANG PAG-ASA AY IYONG MATATAMASA...AKO'Y NASA TABI MO,SA HIRAP MAN O GINHAWA...NGAYON,BUKAS,AT KAILAN MAN...AT MAGPASAWALANG HANGGAN..."Kasabay ng pagmulat...at nagbalik ang ulirat..nagmarka ang pait at sa lupa'y bumagsak..pag-angat ng paningin..bumungad ang bituin..isang sumpa ang binitawan.."SINUSUMPA KO'T NANGANGAKONG...AABUTIN ANG BITUIN,ANG LAHAT NG NAISIN..AY MAPUPUNTA SA AKIN.."

mula sa madamdaming panulat ni: renjie ranes

"IMPOSIBLE" (Lorraine Cabuhat)

sa bawat kislap ng iyong mata ,
ang puso ko'y nahahalina
sa bawat ngiti ng yong labi
ang lungkot ko'y napapawi
lagit ang nadarama...sa tuwing ikay nakikita


pilit na nagtatanong ang puso kong litung-lito...
ano ba ang motibo ng yong pusong mapaglaro?
sa gunita ng alaala na lagi kang kasama...
langit ang nadarama...pagkat sa puso ko'y mahal kita...


iyong sanang lagutin ang tanikalang sa akin...
nakakulong, nakalibing... sa puso ko't damdamin...
na balang araw mandin... sanay iyong mahalin...
at pagtutuunan ng malugod mong pansin...


puso na ang nagsabi..."panaginip"lang kasi...
mabuti ng nalaman mo...nang hindi ka magsisi...
masakit mang tanggapin...di ko sukat unawain...
pag-ibig ko ay 'di pwede...at kailan ma'y "imposible".


mula sa madamdaming panulat ni: LORRAINE CABUHAT

Wednesday, January 6, 2010

"KABATAAN?" (Jun Del V. Tupas)

Sa bawat paglipas ng oras at pag-inog ng mundo marami ang nagbabago sa atin, isa na doon ang mga kabataan. Ayon nga sa sinabi ni Dr. Jose Rizal na "Ang Kabataang Ang Pag-asa Ng Bayan " mukhang sa bawat henerasyon dadaan unti-unting nagbabago ang mga kabataan. Nawawala na ang dating nitong natural na kaugalian tulad ng mabait, tapat at higit sa lahat mapagmahal ayan ang tungkulin ng isang kabataan at marami pang-iba. Sa ngayon madalang na ang ganitong kabataan na nagtataglay ng magandang kaugalian.


Ang Kabataan ay isang masarap at masayang karanasan sa lahat at buong buhay dahil dito nagagawa natin ang gusto nating gawin dahil tayo ay tinaguriang malaya. Kung ating pagdadaanan ang buhay ni Dr. Jose Rizal at iba pang mga bayani, sa aking palagay talagang mahirap ang kanilang sitwasyon noon. Kung ihahalintulad natin sa ngayon, malaking-malaki na talaga ang naging pagbabago sa ngayon ngunit sa pagbagong iyon ang naapektuhan naman ang mga kabataan sa ngayon, oo nga naging malaya tayo pero sa pagiging malaya inaabuso ng mga kabataan, unti-unting nawawalan na tayo ng pag-asa dahil sa mga lumalaganap na maling papel ng mga kabataan tulad ng mga: Marami ang nalululong sa masamang bisyo, maling gawain, at kung anu-ano pang mga kasuklam-suklam na pangyayari. Parang hindi na ang kabataan ang pag-asa ng bayan. Paano na kung magpatuloy ito? Paano na kung mabalot na ng kasamaan ang ating mundo? Paano na ang ating bansa? Ano na kaya ang mangyayari? Naniniwala ako sa kasabihang "Kung may kasamaan, may kabutihan."


Kaya sa mga kapwa ko kabataan itaguyod natin ang ating bansa, tangkilikin natin ang sariling atin, ituwid ang ating mga pagkakamali, ibalik ang dati nitong ganda at kaugalian ng bawat isa, magtulungan at magkaisa tayo sa bawat oras at higit sa lahat huwag nating hayaan na lumihis tayo sa tamang landas, gawin natin ang nararapat, upang maibalik ang katahimikan at kapayapaan ng ating bansa. Sa mga kabataang tulad ko huwag nating hayaan na ibahin ang katagang "Ang Kabataan Ang Pag-asa Ng Bayan." Patunayan natin kung sino tayo! Hindi pa huli ang lahat. "Kung Tayo Ang Sumira, Tayo Rin Ang Bubuo" at habang may buhay ay may pag-asa, ayan ang lagi nating dapat tandaan.


Isinulat ni: Jun Del V. Tupas.

Tuesday, January 5, 2010

Bumihag sa Puso ko

Oh! aking irog, ika'y iniibig kong totoo
Ikaw ang nagbigay ganda't, kulay sa aking mundo
Kaligayahang inaasam, lahat ay natatamo
Makita ka lamang araw ko'y nabubuo.

Ngayon ko lang naramdaman ang umibig ng ganito
Na halos araw-araw ikaw ang hanap ko
Mawalay ka saglit, puso koy nagdurugo
Kaya't hwag kang lilisan, mundo ko'y guguho.

Isip ko'y sayo lamang laging nakatuon
Ikaw lang ang nagmamay-ari nitong aking puso
Pagka't sayo ko naramdaman ang mahalin ng todo
Na walang ibang sigaw kundi ang pangalan mo.._)

By:Generose Monserrat

Makabagong Teknolohiya at Kalikasan

Sa ating panahon ngayon, kapansin-pansin ang pag-unlad ng paraan ng pamumuhay na ating tinatamasa kumpara sa ating mga ninuno. Hindi maitatanggi na kalimitan sa mga pagbabagong ito ay bunga ng modernong teknolohiya. Sa simula ay sapat ito at kuntento tayo sa biyayang dulot nito sa ating buhay subalit sa paglipas ng panahon dumarami ang ating mga pangangailangan. Ito ang naging dahilan upang umisip ng paraan ang tao kung paano matutugunan ang mga pangangailangang ito. Ang mga imbentor ay walang humpay sa paglikha dahil hindi nauubos ang pangangailangan ng tao.
Sa tulong ng makabagong siyensiya at teknolohiya, nagbago ang pamamaraan ng ating buhay pati na rin ang ating kapaligiran. Nakapaglalakbay ang tao sa kalawakan at narating din ang ilalim ng karagatan. Sa isang saglit, agad naipararating ang mga kaganapan saan mang sulok ng mundo sa pamamagitan ng internet at satellite. Kung ating nanaisin ay maaari tayong makipag-ugnayan sa taong nais nating makausap dahil mayroon na ngayong cellphone.
Iba’t-ibang gamot na panlunas sa mga nakamamatay na karamdaman ang nalikha dahil sa makabagong teknolohiya. Dahil din sa agham at teknolohiya kung bakit umunlad ang mga industriya na lumilikha ng ibat’-ibang gamit sa paghahanapbuhay at lumikha din ito ng mga trabaho para sa maraming tao.
Ang kalikasan ay naging mas kapakipakinabang dahil sa modermong teknolohiya. Isang halimbawa ang mga talon o falls na pinalilinangan ng hydroelectric energy. Ang mga bulkan ay napagkukunan ng geothermal energy na pinagmumulan ng elektrisidad. Ang mga enerhiyang ito ay renewable, kaya sa makatuwid, ito ay matipid at di nakasisira sa kapaligiran.
Ang kapakanan ng kapaligiran ay dapat laging isinasaalang-alang sa bawat paglikhang isinasagawa. Dapat ang mga ito ay environment-friendly. Hindi dapat malagay sa panganib ang buhay at kalusugan ng mga mamamayan at hindi makakasira sa ating kalikasan.
Ang pagreresiklo ng mga waste materials ay isa sa pinakamahalagang solusyong magagawa sa pagbabawas ng basura. Bukod sa maiiwasan din nito ang polusyon at mga sakit, ito ay makapagbibigay pa ng kabuhayan sa mga tao.
Ang pagsulong ng makabagong teknolohiya ay maraming benepisyong naidudulot sa tao. Ito ay nangangahulugan din ng kaunlaran. Pero kaakibat nito ay ang responsibilidad sa ating kapaligiran. Dapat sa pag-unlad ng tao ay ang pag-unlad din ng kalikasan. Huwag natin itong hayaang masira o ipagsawalang-bahala dahil sa kagustuhan natin na mapagaan ang ating buhay. Ang mundo ay iisa lamang at ito ang ating tahanan.

*worked by: lance*