Thursday, February 4, 2010

BESPREN!!

pagpatak ng luha'y animo ay ulan
ngunit 'yong pinunas aking kaibigan
lungkot at ligayang aking naranasan
laging nasa tabi at di mo iniwan

hirap man ang aking laging nadarama
lungkot ko'y naibsan at 'yong pinasaya
mabilis mang lumipas ang mga panahon
pagkakaibigan lagi 'tong nandoon

lagi kang kasama aking kaibigan
di malilimutan ating kasiyahan
ikaw ma'y umalis, saan man mapunta
pagsasamaha'y laging maaalala

maraming salamat sa pinagsamahan
sa ating iyakan, atin mang tawanan
hanggang sa panahong ikaw ay lumisan
palaging iisiping ikaw ay nandyan.


mula sa panulat ni: ROSALIE L. CASTALONE

2 comments:

  1. This comment has been removed by the author.

    ReplyDelete
  2. Ang ganda nakakaiyak ang tulang ito. Ipapabasa ko to sa kaibigan ko di puwede ako lang iiyak :D

    NegosyongPinoy.info

    ReplyDelete