Sunday, January 24, 2010

Mapaglarong Pag-ibig

Hindi maiwasan na tayo'y mapahanga sa ating kapwa, natural lang yan para sa ating mga kabataan. Hanggang sa dumating yung araw na hindi na natin mapigilan ang ating nararamdaman, namamalayan nalang natin na ang paghanga ay mas lumalala.

Nakakatuwang isipin na sa ating mga simpleng pag-aasaran sa bawat isa nahuhulog na pala ang ating kalooban. Dun na nga darating yung pagkakataon na mamimiss mo yung mga araw na kayo'y masaya, nagpapalitan ng mga jokes na kahit "corny" ay hinahayaan lang para iparamdam na napapasaya ka niya,idagdag pa ang mga asarang "lugi ka ngayon!!".

Harutan pag nasa paaralan, sabay kapag uwian at siyempre text- text pag kinagabihan.Darating na sa puntong tatanungin ka niyang "pwede bang manligaw?" sino bang hindi kikiligin sa tanong na 'yon lalo na kung gusto mo rin yung tao. Pakipot pa na kunwari'y aayaw-ayaw pero deep inside tuwang-tuwa! Mararamdaman mong nagiging masaya ka sa pagdaan ng mga araw hanggang sa sasabihin na lang na "OO, sinasagot na kita" Siyempre, ang lalaki, tuwang-tuwa naman. Pero hindi lahat ng pagkakataon kayong dalawa'y parating masaya,may mga problema na darating at susubukin ang inyong pagsasama,inyong susubuking malampasan at ito'y pagtibayin pa. Kapag nagkatampuhan iisip ng paraan para magkaamuan.Mga linyang"SORI NA KASI," "HOY WAG KA NANG MAGALIT, DI KO NAMAN SINASADYA EH...", "PANGAKO MAGBABAGO NA AKO, DI KONA UULITIN!" ilan lang 'yan sa mga pang pukaw ng galit.

Kinabukasan, okay na kayo,masaya na ulit, pero unti-unting nababawasan ang tiwala at nadadagdagan ang paghihinala. hanggang sa kasukdulan meron ng masasaktan, doon na mag-uumpisa magkalabuan. Hahantong sa break up dahil sa hindi pagkakaunawaan. Syempre naman hindi mawawala ang iyong sandigan, ang mga tapat na kaibigan. Sabi na iba ang iyong "shoulder to-lean-on. Sa kanya mo ilalabas ang iyong sama ng loob, dadamayan ka sa oras ng iyong kasiyahan maging sa panahon ng kabiguan. Papayuhan pa ng mga tamang desisyon at dapat mong gawin pero hindi sa lahat ng oras ang kaibigan ay nandyan, dahil meron din sila problemang hinaharap.

Ang sarap pakinggan ang mga linyang "huwag kang mag-alala, nandito lang ako para samahan ka", payo na pampalakas ng loob, at hindi mawawala ang linyang "ayan kase, sobra kang nagtiwala e di ikaw ngayon ang nasaktan". Sa bawat linyang lumalabas sa ating mga bibig, gumagana din dapat ang ating pag-iisip. Susubukin mag-umpisa muli ani ngay "Move on " kalimutan ang nakaraan at sabihin "PAST IS PAST, NEVER BEEN BACK". Hindi rin naman maiiwasan maalala ang nakaraan, dahil alam mo sa sarili mo na kahit nasaktan ka na nya, sya parin ang mahal mo. Siguro ganyan nga talaga ang pag-ibig sa kabataan.


by: kristhene

No comments:

Post a Comment