Monday, January 18, 2010

"SULUTERA"

" MASAYA KA NA BA?PINAGMUKHA NIYO AKONG TANGA!!!!BINIGAY KO ANG LAHAT,UPANG SA'TING PAGSASAMA ORAS NATI'Y LAGING MASAYA......"

Hindi ko naisip,
ito'y kayang gawin
ng taong pinagkatiwaalan
at sinubukan kong mahalin....

Kayhirap magbago,
gaya ng nais mo...
subalit kay pilit ng puso....
nais sundin ang gusto mo....

Anong sobrang sakit ang 'yong iniwan
lungkot at pighati
ang tanging nakamtan
dahil sa pagmamahal na alay sayo lamang...

Akala ko tayo na,ang laging magkasama...
ngunit ang pangako mo,ay kunwari lang pala...
gaano kasakit ang aking nadarama?
dahil sa pagtataksil ninyong dalawa...

Hanggang dito na lang ba?wala na bang pag-asa?
binalewala mo lahat ng ating pagsasama..
dahil ba sa kanya,kaya iniwan mong nag-iisa?
ang puso kong walang ginawa kundi ang ibigin ka....


mula sa panulat ni:MARIBEL MOYA

2 comments:

  1. LANCE....MZTA NA U?RENJIE 2 GINAWA KO LANG UNG TULA NI MOYA KAYA 'KO DUMAAN SA BARANGGAY....



    GOD BLESS U!!!!!!!MHUAHHHH!!!!!!!

    ReplyDelete
  2. whahaha..:-)

    ang eemote ng III-A aii..

    karamihan puro LOVE..

    hahaha..

    natural mga kire..

    hekhek..j0ke2 lang..

    ReplyDelete