Tuesday, January 19, 2010

"HESUS" ni: JAYMAR B. ICAONAPO

Malungkot na nakatanaw ang maputlang mukhang yaon ng lalabing-isahing bata na si Suzuki, sa bagamat bughaw na kalangitan ay mapapansin ang mga nakakalat na ulap na may bahid ng karimlan. Marami sa mga kapit-bahay nila ang nagbibigay ng papuri para sa kanya. Siya'y isang mapagmahal na anak, mabuting kapatid at higit sa lahat ay may pananampalataya sa Poong Maykapal. Sa kanyang pagkakatitig sa kalangitan hindi niya naiwasan ang mangamba.Nangangamba siya na maaring ngayon,mamaya o maaring bukas at maari rin namang sa isang araw ang dating bughaw na langit na walang bahid ng karimlan ay hindi na niya masisilayan pa.anim na araw na rin ang nakalilipas buhat ng sabihin ng doktor na tumingin sa kanyang sakit na hindi na magtatagal ang pamamalagi sa daigdig.Siya'y nakahiga noon sa loob ng ospital n bagama't nakapikit ay gising ang buong diwa,na inakala ng nasa loob na siya ay natutulog.Narinig niya ang impit na iyak ng kanyang ina at dalawang nakatatandang kapatid batid niyang pinipigilan ng mga ito ang mapagbulahaw ng iyak dahil sila'y nangangamba na siya ay magising.Buhat ng siya'y iuwi sa kanilang bahay,sa tuwina'y ngiti at masayang mukha ang inihaharap ng kanyang ina at mga kapatid sa kanya.Ngunit batid niya'y nasa mga mukhang yaon,naroon ang kalungkutan.Ngunit sa kanyang sarili'y naroon ang pag-asa.Patuloy siyang makikibaka sa sakit na ikinamatay ng kanyang ama,anim na buwan pa lamang ang nakalilipas ng siya ay ipanganak............ ,"CANCER SA BAGA"
natigil ang kanyang pagmumuni-muni dahil sa pagdaan ng kumpol ng kabataan.Maingay ang mga ito dahil sa isang batang lalaki.Inaaway at pinagtatawanan nila nag batang yaon.Kakatuwa ang mahaba at kulot nitong buhk na abot hanggang balikat dahil siya ay lalaki iyon marahila ng dahilan kung bakit ito tinutukso.Pumanaog siya mula sa bintanang kanyang kinauupuan.Nilapitan niya ang mga ito at sa kanyang paglapit ay siya namang pagalis ng mga bata at naiwan ang kanilang tinutukso na umiiyak.Tinanong niya ang dahilan ng pagiyak nito.(Sinabi ng bata)
"Nais ko lang makipaglaro sa kanila ngunit sa halip na isali ay inasar at pinagtawanan nila ako!"sagot ng batang umiiyak.
Gusto mo tayong dalawa na lang ang maglaro?malawak ang aming bakuran sa likod ng aming barong-barong.Pumayag ang bata.Masaya silang naglalaro,pati ang mga ibon nakikisaya sa dalawa.Ang mga bulaklak na nalalanta'y kakikitaan ng sigla.
Maya-maya'y tinawag siya ng kanyang ina upang uminom ng gamot.Saglit siyang nagpaalam sa bata.Nagtaka nag kanyang ina dahil sa siya ay pawisan at hinapo.Ang alam ng kanyang ina siya ay nakahiga at hindi siya maaring lumabas dahil sa siya'y mahina.Lalo pa itong masindak ng sabihin niyang siya ay galing sa paglalaro.
Di makapaniwala ang kanyang ina na ang katulad niyang isang mahina at may taning na ang buhay ay nagawa pang makipaglaro.Ngunit,gayon pa ma'y pinuntahan nila ang bata.Wala na ito roon.Ano mang hanap ang gawin nila hindi nila matawag dahil nalimutan ng kanyang anak na itanong ang pangalan ng bata.
Lumungkot ang mukha ni suzuki.Pumasok siya sa loob ng bahay at nahiga.Nakaramdam siya ng labis na panghihina.Naiwan ang kanyang ina na natitigilan.Kapag daka'y tinawag ang panganay na anak at tinanong kung saan nagpunta ang kalaro ni suzuki.Sinabi nitong nakita niyang naglalaro si suzuki ngunit mag-isa lamang ito.naktaka ang ina ni suzuki ngunit natigil ito ng marinig ang sunod-sunod na pag-ubo niSuzuki.Pagpasok niya sa silid ng anak ay nanindig ang balahibo dahil sa dami ng dugo na lumabas sa bibig nito.Pinainom niya ito ng gamot at tumigil ang pag-ubo.Hanggang sa mga sandaling iyon ay talinghaga sa kanya ang pagkakaroon ng pansamantalang lakas ng anak na nagamit nito sa paglalaro.
Dumaan ang ilang araw at si Suzuki'y patuloy na nanghina .Hinintay niya na sana ay dumating ang kanyang bagong kaibigan.Nang hapong yaon,samantalang nakahiga ay may narinig siyang huni ng mga ibon,na animo y umaawit.Dahan-dahan siyang tumayo at dumungaw sa bintana.Muli niyang nakita ang bata.Patakbo siyang lumabas at nadatnan niya ito na nakikipaglaro sa mga ibon.
Nangunot ang kanyang noo nang tumanbad sa kanyang paningin ang dalawang palad ng bata na may butas sa gitna at ang dalawang paa nito.
Nang pumasok ang kanyang ina sa kanyang silid ay narinig ni Suzuki ang malakas na bulahaw nito, kasunod ay ang pagdating ng kanyang dalawang kapatid at di rin napigilan ang mapaiyak nang mapagmasdan ang kanyang mukha na payapang-payapa at mahawakan ang kangyang malamig na katawan.
Sa sandaling nais niyang tumakbo papasok sa bahay ngunit napigil ito ng isang maputing ulap na sumukob sa kanyang buong katawan.!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!



MULA SA MADAMDAMING PANULAT NI: JAYMAR B. ICAONAPO

No comments:

Post a Comment